Saturday, April 28, 2012

Tula para sa PBB


I wrote this a year ago when I was auditioning for PBB. 
Nakakatawa and ang sarap balikan... 

Ang PBB experience ko. BOW!

Windang na windang pa rin ako hanggang sa ngayon
Kahit ang lahat ay nagsimula lamang sa isang biruan
Baka bukas makalawa, aba’y paggising ko
May mga kamera nang nakatutok sa pagmumukha ko

Sa Bahay ni Kuya ako’y papasok
Kung  saan totoong drama ng buhay, Pinoy ay nakatutok
Bahay na sikat dahil sa boses na pamilyar sa lahat
Bahay kung saan wala ng iba kundi si  Kuya lang boss ng lahat

Noong PBB season 1, si Kumander Nene ang naghari,
Kasama sina Uma, Jason, Franzen at Cass na sexy
Dito lumabas ang gwapong si Papa Sam Milby
Sa kanyang killer smile lahat tayo’y napa-ihi

PBB Season 2, lahat yata pasaway
Dito sumikat linya ni Bea, “Maricris, respect is not imposed, it is earned!”
Kaya naman boto ng Pinoy sa kanya ibinigay
Hanggang sa  big night si Bea ang nanalong tunay

Nitong pangatlong season,  bunganga pa lang ni Melai show na
Lalo pang tumatak nang pag-ibig ni Jason ay kanya
Melason di naglao’y nagbunga- anak nila Dengue ang ngalan niya
Big Winner sa masa, hanggang sa ngayon si Melai Pureza na

Ngayong season 4, si Kuya naghahanap ng mga kasambahay
Iba-ibang klase ng Pinoy tiyak mapapanood sa Kapamilya
Tanong ko lang aba eh, kasama ba ako?
Sana naman ng aking sarili maibahagi ko

Para sa iba nais nilang pumasok dahil tingin kay Kuya si Binay, gaganda ang buhay
Ang iba naman parang si Villar, tatapos sa kahirapan
Ang sabi ko naman gusto ko happy ka Kuya
Maging inspirasyon ng kabataan na mag-aral at maging mabuting generasyon
Sabi nga ni Miriam, “For the meantime, we should think for our next generation
Because our future should have a very good foundation for our salvation!”
Sigaw ko lang, atras sila, abante ako. Now na!

-          End –
-          Written by:  Joya Genzola 07-26-2011 

No comments:

Post a Comment